^

Bansa

Marcos, ilalatag kay Pres. Xi, sitwasyon sa West Philippine Sea

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos, ilalatag kay Pres. Xi, sitwasyon sa West Philippine Sea
President Marcos meets with Chinese President Xi Jinping on the sidelines of the #APEC2022 Summit in Bangkok.
Instagram/Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit in Thailand  para pag-usapan ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Marcos, kabilang sa kanyang “top agenda”kapag nagharap sila ni Xi ay ang bilateral meeting sa WPS na umano’y imposible na hindi niya mabanggit sa China.

Matatandaan na sa 25th ASEAN-China Summit sa Cambodia, ay isinulong ng Pangulo ang pag-apruba sa code of conduct  na siyang magiging gabay sa mga nang-aangkin sa South China Sea para mabawasan ang panganib ng tunggalian sa mga umaangkin dito.

Nauna naman inanunsiyo ng Malakanyang na magsasagawa ng State visit sa China si Marcos sa Enero 3 hanggang 5 o 6 base na rin sa imbitasyon ni Xi.

 

 

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with