^

Bansa

PBBM nagbabala ng food security, climate change

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
PBBM nagbabala ng food security, climate change
Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang isa sa panelists ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit na dinaluhan din ng mga business lider at top-executives mula sa Asia-Pacific region. Sa miting, tinalakay ng Pangulo ang kahalagahan ng APEC sa pagpapaunlad ng ekonomiya at ang ilang isyu na dapat pagtuunan ng pansin gaya ng food security, global health systems, climate change plans at global and regional economic governance.

MANILA, Philippines — Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nagbabadyang suliranin sa food security at climate change kaya nanawagan ito na paghusayin ang “economic cooperation” sa Asia Pacific region.

Sa talumpati ni Marcos sa dinaluhang APEC CEO Summit, umapela ito ng kolaborasyon at kooperasyon sa rehiyon para tugunan ang structural at policy issues.

“Dark clouds loom large if we are not to be prepared. They loom on the economic horizon and now more than ever, our governments and economies must work closer and better together as partners in order to find that break in the clouds where the light of hope and progress can shine through these shocks,” giit pa ng Pangulo.

Kaya para maiwasan umano ang ganitong problema ay kailangan agad na tugunan ang structural at policy issues na may layuning mapabilis amg economic recovery at paglago sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho para mabawasan ang kahirapan.

Tinukoy din ng ­Pangulo ang “security, global health systems, at climate change” kung saan sinabi nito na kailangan magkapit-kamay ang ­gobyerno at ang pribadong sektor para tugunan ito.

Nauna nang nagbabala ang Department of Agriculutre (DA) sa nagbabadyang food crisis sa bansa dahil na rin sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya gayundin ang mataas na presyo ng langis at ang patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kasabay nito, nanawagan din si Marcos na palakasin ang global health systems dahil hindi na kakayanin pa ekonomiya ng mundo ang panibagong serye ng lockdowns at travel bans.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with