^

Bansa

Vlogger na si ‘Haring Manggi’, inaresto

Cristina Timbang, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay City Police Station ang vlogger/rapper na si ‘Haring Manggi’ o Daniel Migallen Naguit, dahil sa kabiguang dumalo sa pagdinig sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sinabi ni Pasay City Police Station chief, P/Colonel Byron Tabernilla, dakong alas- 4:30 ng hapon noong Lunes (Mayo 14) nang silbihan ng warrant of arrest ang vlogger na si Naguit sa loob ng District Mall, sa Imus, Cavite City, kung saan siya nakipagkita sa nagpanggap na follower, na bibili ng bonnet na may tatak na “Haring Manggi”.

Disyembre 27, 2021 pa nang ilabas ang warrant of arrest laban kay Naguit sa kasong illegal possession of drugs.

Siya ay naaresto sa kaso ng iligal na droga na matapos magpiyansa ay hindi na lumutang sa mga pagdinig sa sala ni Judge Edilwasif Tapsiri Badirri  ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 115.

Paliwanag ni Naguit, hindi naman siya nakatatanggap ng subpoena at itinanggi na siya ay nagtatago sa batas.

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->