18 taon matapos ang Hacienda Luisita massacre, hustisya hinahanap pa rin

Members of the Philippines special action force police walk past a discarded sandle at the gate of Hacienda Luisita in Tarlac, 17 November 2004, where police broke up a protest by striking workers and sympathizers a day earlier, leaving as many as seven dead. Philippine President Gloria Arroyo 17 November ordered the replacement of soldiers and police guarding the farm controlled by the family of former president Corazon Aquino after the deadlin riots 16 November.
AFP/Joel Nito, File

MANILA, Philippines — Kahit halos dalawang dekada na, patuloy pa ring humihingi ng katarungan ang mga magsasaka sa karumal-dumal na Hacienda Luisita Massacre noong ika-16 ng Nobyembre, 2004 — bagay na ikinamatay ng pitong katao at ikinasugat ng daan-daang welgista.

Ang naturang trahedya, na nagsimula sa strike ng mga magbubukid at manggagawang bukid, ay nangyari noon sa lupain nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino. Tinitignan ito nang marami bilang isa sa pinakamadugong insidente ng karahasan laban sa mga pesante.

"Hacienda Luisita is among the largest and bloodiest of these massacres. It is also one of the most glaring examples of our corrupt justice system being rigged against poor farmers," wika ni Zenaida Soriano, chairperson ng Amihan National Federation of Peasant Women, Miyerkules.

"Despite the survivors and the victim’s families seeking justice for years, the government protected the Cojuangco-Aquinos  and continued its control on the vast lands of Hacienda Luisita."

Ano ba ang nangyari noon?

Taong 1957 nang pormal na malipat sa pamilya Cojuangco-Aquino ang asyenda sa kondisyon na ipapamahagi ito sa mga magsasaka matapos ang 10 taon.

Umabot sa pagwewelga ang mga miyembro ng United Luisita Workers’ Union (ULWU) at Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) noong 2004 matapos ireklamo ang P9.50 kada linggong sahod, bagay na lumala raw nang pagtrabahuhin na lang sila nang isang araw sa loob ng pitong araw.

Sa ika-10 araw ng welga, umulan ng bala sa piketlayn na siyang ikinamatay at ikinasugat nang marami. Lalo pang tumaas ang death toll aniya nang mapag-alamang na-suffocate ang ilan sa teargas. Kasama rito ang ilang bata.

Sa kabila nito, iginigiit ng kapulisan noon na nanggaling ang inisyal na mga putok ng bala "mula sa hanay ng mga nagwewelga."

"The reports that I have been getting... one of them stated that when the dispersal commenced... elements of the PNP and the AFP were subjected to sniper fire allegedly coming from a barangay adjacent to the company premises," sabi noon ni Noynoy, na noo'y deputy speaker, sa isang privilege speech sa Kamara.

Ito'y kahit mismong findings na ng National Bureau of Investigation noong 2005 ang nagsabing "mas kapani-paniwala" ang testimonya ng mga raliyista. 

Karamihan sa mga sugatang welgista ang sinasabing tinamaan sa likuran at tagiliran, bagay na nagpapakitang papaatras na sila noon mula sa mga bala.

Wala pa ring trial na nangyayari hanggang sa ngayon upang magbigay ng katarungan sa mga biktima hanggang sa ngayon.

"Instead of justice being served, violence against the peasant leaders, farmworkers, and agricultural workers in Hacienda Luisita has persisted," sabi pa ni Soriano.

"The strike’s conditions of just wages and a commitment to land reform are still being fought for to this day, and will continue to be until these demands are met."

2 publikasyon ilalabas bilang pag-alala

Bilang pag-commemorate sa nangyaring karahasan 18 taon na ang nakalilipas, maglalabas ang Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang dalawang publikasyon patungkol sa Hacienda Luisita sa Sabado.

Ang una ay isang koleksyon ng mga tula ng yumaong rebolusyonaryong si Kerima Lorena Tariman patungkol sa pakikibaka ng mga magsasaka sa lupa, marami rito ay naisulat noong siya'y sibilyan pa at hindi pa miyembro ng New People's Army.

Ang ikalawa naman ay sa porma ng 16-pahinang komiks na pinamagatang "Tuloy ang Laban!" na siyang nagpapaliwanag kung bakit nagwelga ang mahigit 5,000 katao noong 2004. 

 

 

"As historical distortion and state-funded misinformation become more and more the norm, propagating the stories of farmers and agricultural workers—their hardship and resistance—has become an ever urgent task," paliwanag dito ni UMA spokesperson John Milton "Ka Butch" Lozande.

"Various regimes have only instrumentalized the Hacienda Luisita struggle for their personal economic and political gain—and never for the gain of farmers. We must strengthen the call for genuine agrarian reform and revitalize, as Kerima did, our desire to dismantle the hacienda system nationwide."

Show comments