^

Bansa

Senador gusto paramihin 'paid' service incentive leave sa 10 araw

Philstar.com
Senador gusto paramihin 'paid' service incentive leave sa 10 araw
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal on Wednesday morning, Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inihain ni Sen. Lito Lapid, Miyerkules, ang isang panukalang batas na magpaparami sa bilang ng paid service incentive leave para sa mga kwalipikadong empleyado — mula limang araw patungong 10.

Giit ng senador, mapapakinabangan daw kasi hindi lang ng mga empleyado ngunit pati na ng employers ang pagpaparami ng paid leaves ng mga nagtratrabaho.

"Mahalagang aspeto ng worker's welfare and benefits ang pagkakaloob ng mga leaves upang ang ating mga manggagawa ay magkaroon ng pahanon para sa kani-kanilang mga pamilya, makapag-bakasyon at makapaglaan ng oras sa sarili," sabi ni Lapid sa isang pahayag Miyerkules.

"Anumang dagdag na service incentive leave ay malaking tulong sa kanila at ito ay pagsunod sa mandato sa ating Saligang Batas sa pagseseguro ng makataong kondisyon ng trabaho."

Sa explanatory note ng panukala, ipinaliwanag ng mambabatas na ang minsanang pahinga mula sa trabaho ay nakatutulong para maiwasan ang occupational stress at burnout habang itinataguyod ang work-life balance.

Makatutulong din daw sa employers ang additional leaves lalo na't maitataas nito ang moral, well-being, productivity at employee retention sa opisina.

Layon ng SB 1511 na amyendahan ang Article 95 ng Labor Code na nagsasabing, "every employee who has rendered at least one year of service shall be entitled to a yearly service incentive leave of five days."

Sa kabila nito, hindi sasaklawin ng SB 1511 ang mga meron nang 10-araw na paid service incentive leave, mga establisyamentong wala pang 10 ang empleyado o mga tranahong ine-exempt ng labor secretary.

Maraming work place sa Pilipinas ang nagbibigay ng mga "vacation leave" at "sick leave" ngunit hindi ito inoobliga ng Labor Code. Tanging SIL lang ang nasa batas. — James Relativo

LABOR CODE

LITO LAPID

SENATE

SERVICE INCENTIVE LEAVE

WORKER'S RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with