Biyahe ni Marcos sa Cambodia, tagumpay
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naging matagumpay ang kanyang pagdalo sa 40th and 41st ASEAN Summit sa Cambodia.
“I was honored to meet them and I thanked them for their efforts and contribution to our nation’s progress and development, as well as that of Cambodia’s,” anang Pangulo sa kaniyang talumpati matapos na dumating sa bansa nitong madaling araw ng Lunes.
Ayon sa Pangulo, nagawa niyang “ipahayag ang ating pambansang interes” sa kanyang apat na araw na paglalakbay sa Cambodia.
Sa nasabing summit tiniyak ng Pangulo ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ASEAN.
Ilan sa mga ipinayo niya sa mga lider ng bansa ay dapat palakasin ang food security sa ASEAN lalo na at tumitindi ang epekto ng climate change.
Sinabi rin ng Pangulo na nagkaroon din siya ng mga bilateral na pagpupulong sa mga pinuno mula sa Brunei, Korea, Vietnam at Canada.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang Cambodian government sa pagbibigay ng mainit na pagtanggap sa delegasyon ng Pilipinas.
Nagpasalamat ang Pangulo sa mga OFW sa Cambodia dahil sa pagsisikap na magtagupay sa buhay at makahanap ng “greener pasture” kasabay ang pangako na pagbubutihin ng gobyerno ang kondisyon sa pagtatrabaho sa Pilipinas.
- Latest