MANILA, Philippines — Simula ngayong Nobyembre 15, 2022 ay tatanggap na ng year-end bonus at cash gift ang mga kuwalipikadong empleyado ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
“The release of the year-end bonus and cash gift is provided naman po under our GAA (General Appropriarions Act) for this year. For sure, many of our fellow government workers have been looking forward to this. We wish to remind our fellow government workers to budget and spend wisely, as what we would always promote here at the DBM,” ani DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay noong Oktubre 31 at ang cash gift na P5,000 ay ibibigay sa mga kwalipikadong tauhan ng gobyerno nang hindi mas maaga sa Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon.
Ang year-end bonus at cash gift ay ibibigay sa mga kwalipikadong tauhan na ang serbisyo ay hindi bababa sa kabuuan o pinagsama-samang apat (4) na buwan ng serbisyo mula Enero 1 hanggang Oktubre 31 ng kasalukuyang taon, at ang mga tauhan ay nananatiling nasa serbisyo ng gobyerno simula Oktubre 31 ng parehong taon.