^

Bansa

Bantag: Drug lord nasa likod ng Lapid slay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bantag: Drug lord nasa likod ng Lapid slay
This undated file photo shows Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag.
rmn.ph

MANILA, Philippines — Lumantad sa telebisyon kahapon si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at itinuro ang drug lord na si German Agojo na maaari umanong may pakana sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa).

Sa panayam ng SMNI News, iginiit niya na si Agojo ang boss ng sumuko at umamin na gunman na si Joel Escorial at middleman na si Cristito Palaña o mas nakilala sa alyas na Jun Villamor.

“Attention Lapid fa­mily, ‘yung pumatay po kay Percy Lapid ay tauhan nitong Agojo … Anong papel niya sa buhay? Tauhan niya raw ‘yung pumatay na si Escorial at Villamor na kaibigan niya, tauhan nitong si Agojo. Nakikita ninyo ba ang koneksyon? Ito ba pag-uutusan ko ba ito?” saad ni Bantag.

Hindi naman niya ipinaliwanag kung bakit kailangang ipapatay ni Agojo si Lapid at iginiit na hindi siya ang nasa likod ng naturang krimen.

“Bakit ko papatayin ‘yung tao, dahil lang doon sa walang kuwentang hindi naman sa akin,” giit ni Bantag patungkol sa mga ari-arian na isiniwalat ni Lapid sa kaniyang ­programa na pag-aari ng isang mataas na opisyal umano ng Department of Justice na tinawag niyang “Cinderella man”.

Kasunod nito, sinagot ni Bantag ang hamon ni Remulla na harapin niya ang reklamo sa pagbibigay ng kaniyang counter-affidavit at huwag sa media. Sinabi niya na wala pang warrant of arrest na inilalabas laban sa kaniya.

“Wala naman ako, wala naman akong warrant of arrest pa, tapos sasabihin ninyo surrender? Pinagbakasyon ninyo ako ng three months, tapos sasabihin niyo nag-AWOL na ako? Anak ng teteng naman, Boying naman,” ayon pa sa kaniya.

Hinamon din ni Bantag ang kalihim na magbitiw sa puwesto dahil sa wala na umano siyang kredibilidad makaraan na mahuli ang kaniyang anak dahil sa iligal na droga.

Samantala, naiintindihan daw ng DOJ ang sentimyento ni Bantag. Wala anyang may gusto na ituro ng ebidensiya ang dating BuCor chief.

“The Department of Justice understands the predicament of DG Bantag. His words and actions, no matter how personal ang inappropriate, come from a misguided sense of betrayal,” pahayag ng DOJ.

“There is a proper forum and a proper time to tresh this all out,” pahayag pa ng DOJ.

Wala anyang ibang motibo rito kundi ilantad ang katotohanan sa pamamagitan ng legal na proseso at due process na ibinibigay sa lahat ng sangkot, saad pa ng DOJ.

GERALD BANTAG

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with