^

Bansa

Traslacion 2023 kanselado sa COVID-19 kahit face masks boluntaryo na

James Relativo - Philstar.com
Traslacion 2023 kanselado sa COVID-19 kahit face masks boluntaryo na
Devotees follow the carriage transporting the statue of the Black Nazarene during an annual religious procession in its honour in Manila on January 9, 2020. Thousands of barefoot devotees joined the religious procession in Manila on January 9, hoping to touch a centuries-old icon of Jesus Christ, called the Black Nazarene, which is believed to have miraculous powers.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Muling maaantala ang taunang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno sa susunod na taon dahil pa rin sa pag-iingat sa COVID-19, ito'y kahit na nagluwag na nang husto ang gobyerno sa mga restriksyon.

Ito ang ipinahiwatig ni Quapo Church attached priest Rev. Fr. Earl Valdez, Huwebes, sa panayam ng News5.

"Tayo pa rin ay nasa ilalim pa rin ng pandemya. At risk pa rin po 'yung mga kapatid nating may lagnat at 'yung mga sinasabi nating immunocompromised," ani Valdez.

"Minabuti po namin na, pagkatapos ng konsultasyon sa kapulisan at lokal na pamahalaan ay hindi po muna [tuloy ang prusisyon]."

"Bagama't mas marami ang nakababata ay may bilang din po ang mga may edad... Sa ngayon po, wala pa hong prusisyon, pero in the long run hopefully."

Ang lahat ng ito ay kahit na aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 7 na siyang nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor settings.

Aniya, iniiwasan daw kasi ngayon ng Simbahan na isiping literal na pwede na uling halikan ang Poon, lalo na't high-risk pa rin ito sa pagpapasa ng nakamamatay na sakit.

Sa kabila nito, tuloy pa rin naman daw ang oras-oras na misa sa Quiapo Church simula 12 a.m., bagay na pangungunahan naman daw ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Meron din naman daw mga misa sa ibang bahagi ng Kamaynilaan at iba pang mga probinsya sa Luzon para sa mga hindi makakapunta sa Quiapo Church para sa pagdiriwang.

"Huwag pong mag-alala. Ang lahat po ng ating mga desisyon at pagpapasya ay masusi at mabuting inaral," dagdag pa ni Valdez.

"Bagama't sa labas, sa mga pampublikong lugar na open spaces, ay hindi na po mandatory ang face mask, ang mga mananampalataya po at deboto na nais pumasok at makaisa sa pagdiriwang ng banal na misa [sa Quiapo Church] ay kinakailangan pa ring isuot ang kanilang face mask."

Ikinakasa rin daw nila sa ngayon ang pagpapasuot pa rin ng face masks sa loob ng simbahan lalo na't marami sa mga dumadalo ay may edad na.

Aniya, nakikita pa rin kasi sa mga pag-aaral na mataas pa rin ang posibilidad ng pagkakahawaan sa mga closed spaces.

Aabot na sa 4.01 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa Pilipinas noong 2022. Sa bilang na 'yan, patay na ang 64,322. — may mga ulat mula sa News5

BLACK NAZARENE

NOVEL CORONAVIRUS

QUIAPO CHURCH

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with