5.4-M nasalanta iniwan ng bagyong 'Paeng'; P6.28-B agri damage naitala
MANILA, Philippines — Hindi pa natatapos ang pagpasok ng numero kaugnay ng nagdaang Severe Tropical Storm Paeng na puminsala na ng bilyun-bilyong piso sa sari-saring industriya at sumantala sa milyun-milyong Pinoy.
Sumirit patungong P6.28 bilyon ang naitatalang napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Huwebes.
Apektado tuloy ang nasa 144,682 magsasaka at mangingisda, na siyang umaasikaso sa mahigit 134,651 ektarya.
Bukod pa ito sa P5.05 bilyong halaga ng imprastrukturang napinsala ng bagyo sa 13 rehiyon sa buong Pilipinas at sa 53,096 kabahayan ang damaged houses.
Ang bagyong Paeng ang ika-16 bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong 2022, na isa sa mga pinakamalaking hamon sa ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
5.4 milyong apektado
"A total of 1,347,387 families or 5,404,573 persons were affected," sabi pa ng NDRRMC kanina. Lahat ng 17 rehiyon sa Pilipinas ay may nasalantang residente.
"Of which, 10,233 families or 45,805 persons were served inside 203 [evacuation centers] and 215,619 families or 1,071,204 persons were served outside EC."
- patay: 159
- sugatan: 146
- nawawala: 30
Ilan sa mga namatay ay dulot ng mga landslides at baha dulot ng bagyo.
Nagbaba na ng state of calamity sa nasa 523 lungsod at minisipalidad sa bansa matapos ang delubyo, dahilan para magpatupad ng automatic price controls sa mga pangunahing bilihin.
Bilang tugon, nakapagbigay na ng P276.33 milyong halaga ng tulong sa mga residente gaya ng ayudang pinansyal, hygiene kits, atbp. — James Relativo
- Latest