^

Bansa

Rocket debris na may Chinese flag, lumutang sa Mindoro

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rocket debris na may Chinese flag, lumutang sa Mindoro
Ang dalawang hinihinalang rocket debris na may Chinese flag at characters na magkasunod na nakuha ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng ­Occidental Mindoro nitong Nob. 6 at 7.
PCG/via Patrick de Jesus

MANILA, Philippines — Dalawang hinihinalang metallic debris mula sa isang rocket na may bandila ng China ang magkasunod na natagpuan sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro nitong Nobyembre 6 at 7, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ulat ng PCG, unang nakatagpo ang mga ma­ngingisda sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro umaga nitong Nobyembre 6.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng PCG at Philippine National Police, nakumpirma nila ang presensya ng isang metallic debris na may puting pintura, kurbada ang hugis at nasa anim na metro ang haba.

Kinabukasan ng Nobyembre 7, isa pang debris na nasa anim na metro rin ang haba ang sunod na nadiskubre rin ng mga mangingisda sa karagatan ng Calitaan. May pintura ang mga ito ng bandila ng China.

Tumanggi naman ang PCG na tukuyin ang bagay na pinagmula ng naturang mga debris na isinasailalim pa umano sa inspeksyon.

Pero noong nakaraang buwan, nag-abiso ang ­Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko na magbantay sa posibleng pagbagsak ng rocket debris makaraan ang launch nitong Oktubre 31 ng China Long March 5B sa Hainan Island.

May dala ang rocket na Mengtian laboratory mo­dule para sa Tiangong space station, isang research facility na itinatayo ng China sa orbit.

CHINA

PCG

ROCKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with