^

Bansa

Kawalan ng trabaho bumaba sa 5% pero kaledad ng trabaho bumagsak

James Relativo - Philstar.com
Kawalan ng trabaho bumaba sa 5% pero kaledad ng trabaho bumagsak
Commuters endure the long queue as they wait in line to hop on a bus at the Roosevelt Avenue bus station along EDSA in Quezon City on November 2, 2022.
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Setyembre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), sa kabila nito mas marami ang naghahanap ng dagdag  natrabaho sa 15.4% o katumbas ng 7.33 milyon.

"Unemployment rate in September 2022 slid to 5.0 percent from 5.3 percent in the previous month," wika ng PSA sa isang pahayag, Lunes.

"This translates to 2.50 million unemployed Filipinos out of 50.08 million Filipinos who were in the labor force in September 2022. The unemployment rate in September 2021 was higher at 8.9 percent."

Sa kabila nito, tumaas pa lalo ang employment rate sa 95% nitong Setyembre mula sa 94.7% noong nakaraang buwan. Dahil diyan, ang September 2022 employment rate ang pinakamtaaas simula noong Enero 2020.

Gayunpaman, bumaba ang taong may trabaho kung bilang lang ang pagbabasehan: 47.58 milyon ang employed noong Setyembre 2022 ngunit 47.87 milyon ito noong Agosto.

Naitala ang labor force participation rate sa 65.2% o 50.08 milyong Pilipinong 15-anyos pataaas na aktibo sa paghahanap ng trabaho. Mas mababa ito kaysa noong Agosto.

Sa kabila niyan, mas marami ang naghahanap ng karagdagang trabaho o dagdag oras sa trabaho upang kumita nang mas malaki, bagay na naitala sa bilang na 7.33 milyon. Katumbas niyan ang 15.4% underemployment rate na mas mataas kaysa noong Agosto at Setyembre noong nakaraang taon.

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na nanumbalik na halos lahat ng mga negosyo at establisyamento matapos ang malawakang lockdowns ng COVID-19 pandemic.

Naitala ang mas mataas na underemployed at underemployment ngayong umabot sa 7.7% ang inflation rate sa Pilipinas, ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin simula Disyembre 2008.

Matagal nang nananawagan ang sektor ng mga manggagawa na itaas sa P750/araw ang minimum na sahod sa buong Pilipinas lalo na't nagtataasan ang mga bilihin. Isa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung bakit marami ang naghahanap ng karagdagang trabaho.

'Konti unemployed? Baka marami kontraktwal'

Ayon naman kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, posibleng resulta lang ang mga naturang bilang ng paparating na holiday season habang marami sa mga manggagawa ang may trabahong kontraktwal o hindi regular.

"[It] must be noted that underemployment rate is up to 15.4% in September, equivalent to 7.3 million Filipinos with jobs looking for more work, meaning the jobs they have now are contractual or gives terribly low wages so they have to look for regular employment," ayon sa gurong mambabatas.

"Contractual work does not give stable and sustainable income to workers and presents a misleading picture of the true state of joblessness as well as underemployment in the Philippines."

Nananawagan ngayon si Castro kasama ang Makabayn bloc ng "tunay" na Security of Tenure law gaya ng House Bill 2173 na magbibigay proteksyon sa mga obrerbong bubuhat sa ekonomiya lalo na't sumisirit ang inflation.

ACT TEACHERS PARTY-LIST

ECONOMY

EMPLOYMENT RATE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNDEREMPLOYMENT

UNEMPLOYMENT RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with