Bullying prevention campaign, ilulunsad ng DepEd
MANILA, Philippines — Ilulunsad ng Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU), ang Bullying Prevention Advocacy Campaign kaalinsabay ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre.
Ayon sa DepEd, may temang #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral), pagtutuunan ng nasabing kampanya ang tatlong core aspects: KasamaAko (Adbokasiya Para sa Sarili), KasamaKayo (Adbokasiya para sa Kapwa), at KasamaTayo (Adbokasiya Tungo sa Pagbabago).
“This program aims to recognize schools that deliver positive results for the learners’ well-being. Schools will be assessed based on criteria aligned with the Child Protection Policy Implementation Checklist, principles and objectives of a child-friendly school, focusing on child’s rights, health, protection, and learners’ participation,” nakasaad sa issuance.
Dagdag pa ng DepEd, titiyakin din ng anti-bullying advocacy ang functionality ng child protection committees (CPC); hikayatin ang mga eskuwelahan na bumuo ng kanilang mga lokal na patakaran sa proteksyon ng bata; at bigyang inspirasyon ang mga miyembro ng CPC at ang mga guro na malaman ang Child Protection Policy at ang kanilang tungkulin bilang mga tagapag-alaga at katuwang tungo sa pag-unlad nito.
Layunin din ng CPU initiated-program na iangat ang moral at motibasyon ng mga guro, pakilusin ang suporta ng komunidad para sa edukasyon, at isulong ang learner empowerment at youth participation sa pagtataguyod para sa kanilang mga karapatan at proteksyon.
- Latest