Patay kay ‘Paeng’, umakyat sa 154

Rescuers carry a dead body on a body bag, retrieved in the landslide-hit village of Kusiong in Datu Odin Sinsuat in the southern Philippines' Maguindanao province on October 29, 2022. Severe Tropical Storm Paeng whipped the Philippines on October 29 after unleashing flash floods and landslides that officials said left at least 45 people dead.
AFP / Ferdinandh Cabrera

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 154 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Paeng.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, 101 ang kumpirmadong namatay dahil sa bagyo habang ang 53 ay sumasailalim pa sa beripikasyon.

Karamihan sa mga nasawi ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na umabot sa 63 katao, kasunod ang Western Visayas at Calabarzon na parehong nakapagtala ng 33 nasawi.

Nasa 128 katao naman ang naiulat na nasugatan habang 35 iba ang naiulat na nawawala.

Pumalo na sa P2.7 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira habang nasa P2.9 bilyon sa imprastraktura.

Kabuuang 4,124,267 katao o 1,176,074 pamilya mula sa 9,107 barangay sa buong bansa ang apektado ng bagyong Paeng.

Umakyat naman sa 25,109 mga tirahan, 22,487 ang partially damaged at 2,622 ang totally damaged.

Samantala, mayroon nang 437 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang isinailalim na sa state of calamity sa matinding epekto na dulot ng bagyo.

Show comments