MANILA, Philippines — Upang higit na mapaigting ang propesyonalismo ng mga guro, naglabas ng panuntunan ang Department of Education (DepEd) na magbibigay ng maayos na edukasyon sa mga bata tulad ng pagbabawal sa mga guro na magkaroon ng relasyon o usapan ng mga ito sa kanilang mga estudyante, pisikal man o sa pamamagitan ng social media kung ito ay labas na sa usaping pampaaralan, maliban na lamang kung sila ay kamag-anak.
Sa Department Order 49, pinaiiwas din ang mga guro sa mga gawaing maaaring makapagkompromiso sa integridad ng DepEd at bilang isang empleyado ng pamahalaan.
Dapat umanong igalang ng mga guro ang karapatan ng iba at iwasan ang paggawa ng mga aksyon na labag sa batas, good morals at customs, mga polisiya at kautusan.
Ipinatitiyak rin na gagawin ng mga guro ang kanilang responsibilidad ng may paggalang at pagiging patas.
Nagpaalala naman sa mga empleyado ang Education Department na iwasan ang pagpo-post, pagsi-share ng mga contents lalo na ang pakikibahagi sa mga maling impormasyon.