MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang boluntaryo na ring pagsusuot ng face mask sa mga workplaces sa private sector.
“This Advisory shall cover all workers and workplaces in the private sector. The wearing of face masks in workplaces shall be voluntary,” nakasaad sa inilabas na Labor Advisory No. 22 na pirmado ni Secretary Bienvenido Laguesma.
Alinsunod ito sa Executive Order No. 7 ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Oktubre 28, na nagtatanggal sa mandatoryong pagsusuot ng face mask sa indoors.
Sa kabila nito, mananatili ang “mandatory mask rule” sa healthcare facilities; medical transport vehicles, tulad ng mga ambulansya; at lahat ng pampublikong uri ng transportasyon sa lupa, ere o dagat.
Hinihikayat naman ng DOLE ang mga matatanda, immunocompromised, hindi pa bakunado, symptomatic, may comorbidities at buntis na magsuot ng face masks.
Hinikayat din ng DOLE ang lahat ng mga employers at manggagawa na magtulungan para matiyak na ligtas ang lahat ng kundisyon sa paggawa na sumusunod sa mga probisyon ng Labor Code of the Philippines at minimum public health standards.