Patay kay ‘Paeng’ umakyat na sa 150

In this handout photo taken and released by the Philippine Coast Guard on October 28, 2022 rescue workers retrieve bodies of victims during a rescue and retrieval operations in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Landslides and flooding killed at least 31 people as heavy rain from an approaching storm lashed the southern Philippines, with some residents stranded on rooftops, a disaster official said on October 28.
Handout / Philippine Coast Guard (PCG) / AFP

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 150 katao ang iniulat na  nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, 94 sa mga ito ang kumpirmado kung saan 63 ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), 28 sa Western Visayas at tatlo mula sa Soccsksargen.

Sumasailalim naman sa validation ang 56 pang patay na mula naman sa Calabarzon, 33; Eastern Visayas, 5; Zamboanga Peninsula, 4; Mimaropa, 3 at tig-2 sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol at Central Visayas habang tig-isa sa Western Visayas, Soccsksargen at Cordillera Region.

Nasa 126 naman ang bilang ng mga nasaktan at 36 katao pa ang patuloy na pinaghahanap.

Ayon pa sa NDRRMC, may 3,963,555 indibidwal o 1,131,409 pamilya ang apektado ng bagyong Paeng.

Samantala, mayroon namang 12,968 mga tirahan ang partially da­maged at 2,194 totally da­maged habang umaabot na sa P2.8 ­bilyon ang halaga ng danyos sa imprastraktura.

Lumilitaw din sa datos ng NDRRMC na P2.4 bilyon ang pinsala ni ‘Paeng’ sa agrikultura kung saan Bicol Region ang napuruhan na umabot sa P860 milyon na sinundan ng Calabarzon, P604 milyon; Central Luzon P443 milyon at Western Visayas, P376 milyon. 

Ang mga nasa­lanta ay kinabibilangan ng pananim, palaisdaan at mga makinarya o ka­gamitan.

 

Show comments