94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na

Mukhang perfect attendance ang Kindergarten pupils ng Pinyahan Elementary School sa Quezon City, sa kanilang unang araw ng full face-to-face classes sa public schools, kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines —  Iniulat ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang na­kabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2.

Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang mga naturang pampublikong paaralan at nag-o-ope­rate na ng full capacity, o 100% ng kanilang mga estudyante ay nakabalik na sa kani-kanilang mga paaralan.

Iniulat din ni Poa na naging maaayos sa pangkalahatan ang pagbabalik-mandatory face-to-face classes sa public schools.

Aniya, nag-aantabay pa rin naman sila ng updates mula sa kanilang  regional offices hinggil sa sitwasyon sa iba pang bahagi ng bansa.

“Sa ngayon po, ma­ayos naman po ang resumption ng ating classes so far. Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad,” pagtiyak pa ni Poa.

Show comments