MANILA, Philippines — Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga namatay sa bagyong Paeng na pumalo na sa 121 .
Ito’y batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan 92 ang kumpirmado habang 29 ang patuloy na bineberipika.
Lumilitaw sa pinakahuling report na ang mga bilang ng namatay ay halos galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Western Visayas at Calabarzon.
Nadagdagan din ang bilang ng mga nasugatan na umabot ng 103 habang 36 ang nawawala.
Higit 3.1 milyong indibidwal naman o higit 927 pamilya ang apektado.
Ito ay mula sa 7,341 barangay sa 17 rehiyon.
Sa ngayon, higit 869,200 displaced persons ang nananatili sa 2,904 evacuation centers.
Ang mga nasabing bilang ay mula sa Region 1, Region 2, calabarzon, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, at Region 12.