^

Bansa

Patay kay Paeng, lumobo sa 121

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Patay kay Paeng, lumobo sa 121
After the heavy flood and rain due to #PaengPH, residents of Barangay San Juan 1 in Noveleta, Cavite have started removing debris and thick mud from their houses on Monday.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Patuloy na nada­dagdagan ang  bilang ng mga namatay sa bagyong Paeng na pumalo na sa 121 .

Ito’y batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan 92 ang kumpirmado habang 29 ang patuloy na bineberipika.

Lumilitaw sa pinakahuling report na ang mga bilang ng namatay ay halos galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM),  Western Visayas at Calabarzon.

Nadagdagan din ang bilang ng mga nasugatan na umabot ng 103 habang 36 ang nawawala.

Higit 3.1 milyong indibidwal naman o higit 927 pamilya ang apektado.

Ito ay mula sa 7,341 barangay sa 17 rehiyon.

Sa ngayon, higit 869,200 displaced persons ang nananatili sa 2,904 evacuation centers.

Ang mga nasabing bilang ay mula sa Region 1, Region 2, calabarzon, MIMAROPA, Region 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, at Region 12.

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with