Weather forecast, paiigtingin pa ng PAGASA
MANILA, Philippines — Pinagsusumikapan ng PAGASA na paigtingin pa ang weather forecast at early warning system sa bansa.
Ayon kay PAGASA deputy administrator for research Dr. Esperanza Cayanan, ito ay dahil sa nanatiling malapit sa mga kalamidad ang bansa.
Sinabi pa ni Cayanan na may ginagawa ng pilot study ngayon ang PAGASA para sa impact-based forecasting at warning services sa Metro Manila at Metro Cebu.
Layunin anya ng pag-aaral na mapagaan ang weather-related hazards.
“I think we really need to move fast on this because of what we are experiencing right now. I believe this is one of the improvements that we really need to implement as soon as possible,” pahayag ni Cayaan.
Tinatayang nasa 20 na bagyo ang tumama sa bansa kada taon.
Aminado si Cayanan na kailangang i-improve ang mga weather advisories at dapat nang isama ang impact ng mga bagyo.
Mayroon din anyang malaking gap sa koordinasyon ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan at ng local government units.
- Latest