DOH: DepEd na bahala ngayong 'optional' na face masks sa eskwela
MANILA, Philippines — Ipinasa ng Department of Health ang bola sa Department of Education patungkol sa desisyon ng huling payagan ang pagtatanggal ng face masks ng mga estudyante indoors kahit 100% face-to-face na ang mga klase habang pandemya.
Ito ang sinabi ng DOH, Miyerkules, matapos kumpirmahin ni DepEd spokeseperson Michael Poa na hindi na ioobliga ang pagsusuot ng masks sa mga bata alinsunod sa Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
"The DOH defers policy decisions to the DepEd with regard to the well being and safety of it's students," wika ng kagawaran sa isang statement sa reporters kanina.
"Should they pursue this, the optional use of facemasks in schools is aligned with the Office of the President's Executive Order Nos. 3 and 7 which allows the optional use of face masks both indoors and outdoors for certain health settings."
Ginawa ang pahayag na ito kahit na hindi lahat ng menor de edad ay pwede nang turukan ng COVID-19 vaccines.
Tanging 5-anyos pataas pa lang ang pinakabatang pwedeng mabakunahan laban sa COVID-19, dahilan para maging unvaccinated ang lahat ng pre-schoolers.
Ika-28 lang ng Oktubre nang aprubahan ni Bongbong ang nasabing E.O., bagay na tumatapos sa dalawang taong obligatory mask mandates sa indoor settings.
Bagama't boluntaryo na lang ito sa indoor at outdoor spaces, obligado pa rin ang lahat magsuot nito sa mga medical settings at pampublikong transportasyon. Ineengganyo pa rin ang mga nakatatanda, may comorbidities, immunocompromised, buntis, unvaccinated at symptomatic individuals ang pagsusuot ng maskara.
Sumasabay ang bagong panuntunan ng DepEd sa pag-arangkada ng full implementation ng harapang mga klase ngayong araw, ika-2 ng Nobyembre.
"In light o this, the DOH would like to reiterate that proper assessment of when to wear or not to wear masks and the right implementation and practice of ensuring our layers of protection (e.g. mask wearing, sanitation, distancing, vaccination, and ensuring good ventilation) are keys to help in the prevention of virus transmission," sabi pa ng DOH.
Sa kabila ng lahat ng ito, una nang sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na wala pang 10% ng lahat ng COVID-19 cases sa Pilipinas ang mga bata.
Umabot na sa lagpas 4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa simula nang makapasok ito noong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 64,109.
- Latest