^

Bansa

Marcos, pinuna ang kalbong kabundukan sa Maguindanao na nagka-landslide

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos, pinuna ang kalbong kabundukan sa Maguindanao na nagka-landslide
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the aerial inspection in Maguindanao on Tuesday.
OPS

MANILA, Philippines — Pinuna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lugar sa Ma­guindanao na kalbo na ang mga bundok na na­ging dahilan sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa isang situation briefing kasama ang mga local executive sa Maguindanao, tinalakay ni Marcos ang kanyang mga obserbasyon sa isinagawang aerial ­inspection sa mga pinsala sa lalawigan.

“Noong nasa helicopter kami ni [Maguindanao Governor] Bai Mariam, na-notice ko lahat ng gumuho kalbo ang bundok. Iyan ang problema. And I was pointing out to the Governor, sabi ko sa kanya: Tingnan mo ‘yung may kahoy hindi gumalaw ‘yung lupa, lahat nung sugat na makita mo sa bundok dahil kalbo,” ani Marcos.

Ayon kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, ang mga landslides ay nangyari sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat; Barangay Romonggaob at Looy sa South Upi; Barangays Maagabo Bayanga Sur, Upper Bayanga Sur Norte at Kabugaw Sapad ng Matanog.

Kasunod ng insidente, inatasan ni Marcos ang mga tanggapan ng gob­yerno na isama ang mga tree-planting activities sa mga flood control projects.

“Kaya kailangan nating isama ang tree planting sa ating flood control. Dapat kasama ‘yan. Kung gagastos tayo sa flood control, kailangan may tree planting,”ani Marcos.

“So that’s one thing that we need to do. But that one alam na natin ‘yun, we have been hearing this over and over again, pero patuloy pa rin tayong nagpuputol ng kahoy, ‘yan ang nangyayaring nagkaka-landslide ng ganyan,” dagdag ni Marcos.

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with