PNP naka-full alert pa rin hanggang Nobyembre 4

Ayon kay PNP Spokesman PColonel Jean Fajardo, magsasabay ang pag-uwi sa Metro Manila ng mga nagbakasyon gayundin ang mga estudyante na mayroon nang F2F kaya kailangan ang police visibility sa lahat ng lugar.
Release / Metro Manila Development Authority

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mananatili silang full alert status hanggang Nobyembre 4 para sa dagsa ng mga magbabalik mula probinsiya kasabay ng mandatory face-to-face classes na nagsimula ngayong araw.

Ayon kay PNP Spokesman PColonel Jean Fajardo, magsasabay ang pag-uwi sa Metro Manila ng mga nagbakasyon gayundin ang mga estudyante na mayroon nang F2F kaya kailangan ang police visibility sa lahat ng lugar.

“Ang ating concentration ngayon ng ating deployment, particularly ito ngang inaasahan nating simula ng face-to-face classes ay dito sa Metro Manila. Kaya iyong ating full alert status ay mananatili hanggang Nov. 4,” ani Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na maglalagay ng mga police assistance desks malapit sa mga paaralan upang masiguro ang seguridad ng mga estudyante at magulang, gayundin ng mga school personnel.

Sa ilalim ng Department of Education Order (DO) No. 44, ay oobligahin na ang mga pampublikong paaralan na magpatupad ng full in-person classes

Binigyan diin ni Fajardo, desisyon na ng mga  regional directors kung dapat pang palawigan ang heighten alert sa kani-kanilang nasasakupan.

Malaki ang kanilang pasasalamat sa tulong ng mga force multipliers sa pagbibigay seguridad sa sementeryo at columbaria nitong Undas.

Umaabot sa 40,762 ang ipinakalat ng PNP ngayong Undas.

Show comments