261 paaralan, napinsala kay Paeng

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Education (DepEd) na nasa 261 paaralan sa bansa ang napinsala dahil sa bagyong Paeng na nanalasa sa bansa noong Sabado.

Sa datos ng DepEd, ito ay hanggang alas-6:00 ng gabi lamang ng Lunes.

Mayroon din naman anilang naitalang 381 silid-aralan na “totally damaged.”

Samantala, nasa kabuuang 528 paaralan naman ang ginagamit pa rin bilang evacuation centers ng mga pamilyang lumikas sa kanilang mga tahanan dahil kay Paeng.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, patuloy ang isinasagawa nilang assessment sa pinsalang naidulot ng bagyo sa sektor ng edukasyon.

Dahil dito, inaasahan na nilang madaragdagan pa ang naturang bilang.

Show comments