MANILA, Philippines — Nagkaloob ng may P48.1 milyon pagkain at non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 75,168 pamilya sa 3,208 evacuation centers sa 17 rehiyon na apektado ng bagyong Paeng.
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, may 2.1 milyong indibidwal o 560,000 pamilya ang apektado ni Paeng na aayudahan ng ahensiya.
Bukod sa food at non-food items, magbibigay din sila ng tulong sa mga pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil kay Paeng at maging sa mga nawalan ng tahanan at nasaktan.
“These [other forms of assistance] will be under the Assistance to Individuals in Crisis Program of DSWD. Inuuna lang po natin itong basic necessities such as food and shelter for now,” sabi ni Punay.
Nanawagan din si Punay ng dagdag na mga volunteers para sa pagsasagawa ng repacking aid at donasyon para sa Paeng-affected areas.
“We welcome additional manpower, financial and non-financial donations in our Bayanihan effort to help our kababayans. Those who want to help could reach out to these numbers: 09569226155 and 09152921875. “We still have P1.2 billion worth of stockpile aid and standby fund, as well as P264 million Quick Response Fund, which we can use to augment assistance in affected communities,” dagdag ni Punay.