^

Bansa

P48.1 milyong ayuda, pinagkaloob ng DSWD sa ‘hinagupit’ ni Paeng

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P48.1 milyong ayuda, pinagkaloob ng DSWD sa ‘hinagupit’ ni Paeng
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng tulong ng DSWD sa pamumuno ni Sec. Erwin Tulfo, sa mga naapektuhang residente ng bagyong Paeng sa Barangay San Jose II sa No­veleta, Cavite kahapon.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagkaloob ng may P48.1 milyon pagkain at non-food items ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa may 75,168 pamilya sa 3,208 evacuation centers sa 17 rehiyon na apektado ng bagyong Paeng.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, may  2.1 milyong indibidwal o 560,000 pamilya ang apektado ni Paeng na aayudahan ng ahensiya.

Bukod sa food at non-food items, magbibigay din sila ng tulong sa mga pamilya na nawalan ng kanilang mahal sa buhay dahil kay Paeng at maging sa mga nawalan ng tahanan at nasaktan.

“These [other forms of assistance] will be under the Assistance to Individuals in Crisis Program of DSWD. Inuuna lang po natin itong basic necessities such as food and shelter for now,” sabi ni Punay.

Nanawagan din si Punay ng dagdag na mga volunteers para sa pagsasagawa ng repacking aid at donasyon para sa Paeng-affected areas.

“We welcome additional manpower, financial and non-financial donations in our Bayanihan effort to help our kababayans. Those who want to help could reach out to these numbers: 09569226155 and 09152921875. “We still have P1.2 billion worth of stockpile aid and standby fund, as well as P264 million Quick Response Fund, which we can use to augment assistance in affected communities,” dagdag ni Punay.

TYPHOON PAENG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with