22 kalsada ‘di madaanan dahil sa bagyo – DPWH
MANILA, Philippines — Hindi bababa sa 22 national roads sa limang rehiyon ang hindi na madaanan dahil sa pananalasa ng Tropical Storm “Paeng”, ayon sa Department of Public Works and Highways.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na inatasan niya ang lahat ng regional offices na dagdagan ang personnel at equipment resources sa lahat ng apektadong lugar na kinabibilangan ng Regions 2, 6, 8, 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“The public rests assured that we in DPWH will do our best to restore safer travel for motorists and to facilitate faster response,” ani Bonoan sa press statement.
Samantala, umabot na sa 7,439 pasahero, drivers, at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Paeng.
Stranded din ang 2,353 rolling cargoes; 107 vessels at 22 motorbancas.
Ang 184 pang vessels at 350 motorbancas ay nananatiling nakasilong sa ligtas na lugar upang makaiwas sa anumang maritime incident.
Base ito sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga kahapon.
Kabilang sa mga pantalan na stranded ay sa bahagi ng Bicol region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao,Northeastern Mindanao at Southern Tagalog.
- Latest