‘Di kailangang class suspension ng LGUs, iwasan — DepEd
MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of Education (DepEd) ang local government units (LGUs) na iwasan ang mga hindi kinakailangan na suspension ng klase para masulit ang learning recovery ng mga estudyante.
Ayon sa pahayag ng DepEd, maaaring suspendihin lamang ang klase kapag mayroong public emergencies, bagyo o kalamidad.
“The DepEd aims to not only bring learners back to school, but also institute measures to maximize learning recovery,” pahayag ng DepEd.
Sinabi pa ng DepEd na dagdag pasanin din kasi sa mga guro kapag mayroong mga make-up classes dahil sa mga suspension.
“[The] DepEd is against the unnecessary cancellation of classes and the use of our schools as billeting areas for events that are not related to the curriculum,” pahayag ng DepEd.
- Latest