Apektado ng 'Abra quake' sumirit sa halos 150,000; sugatan 85 na — NDRRMC

Makikitang isinara ang kalsada mula Barani papuntang Ben-agan sa Batac City, Ilocos Norte matapos magkaroon ng mga bitak ang isang tulay dulot ng magnitude 6.4 na lindol, ika-26 ng Oktubre, 2022
Released/Bureau of Fire Protection

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 147,378 residente ang nasalanta ng nagdaang magnitude 6.4 na lindol sa Lagayan, Abra ngayong linggo, bagay na labis nang nakaapekto sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Biyernes, habang nananasala sa ngayon ang Tropical Storm Paeng.

Narito ang ilang mahahalagang datos na inilabas ng datos kanina:

  • sugatan (85)
  • apektadong residente (147,378)
  • lumikas na nasa loob ng evacuation center (68)
  • lumikas na nas alabas ng evacuation center (579)

"A total of 4,684 damaged houses are reported in Region 1, Region 2, CAR," dagdag pa ng NDRRMC sa kanilang ulat kanina.

"The estimated cost of damage to infrastructure amounting to Php 81,980,750 was reported in Region 1, Region 2, CAR."

Nasa P353,011 halaga ng tulong na ang ibinigay sa Ilocos Region, Cagayan Valley at CAR simula nang tumama ang lindol sa porma ng pera, family food packs, hygiene kits atbp.

Samantala, meron pa namang P793.13 milyong halaga ng standby funds mula sa Department of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense, habang meron namang P2.19 bilyong halaga ng standby resources at stockpikes ng pagkain at non-food items na nakahanda. — James Relativo

Show comments