^

Bansa

13 patay sa Maguindanao dahil sa 'Paeng' flash floods, landslides — BARMM officials

James Relativo - Philstar.com
13 patay sa Maguindanao dahil sa 'Paeng' flash floods, landslides — BARMM officials
Sinuong ng mga Philippine Coast Guard (PCG) rescuers ang abot-dibdib na baha para mailikas ang mga kabataang na-trap sa kanilang tahanan dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa iba't-ibang bayan sa BARMM dulot ng Bagyong #PaengPH ngayong araw, ika-28 ng Oktubre 2022.
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Lagpas isang dosena na ang nasasawi habang rumaragasa ang Tropical Storm Paeng sa probinsya ng Maguindanao, ayon sa huling pahayag ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang kinumpirma ni Rapid Emergency Action on Disaster Incident head Naguib Sinarimbo, Biyernes, matapos ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng bagyo.

Nasa 10 sa mga nabanggit ang nagmula mula sa munisipalidad ng Datu Blah Sinsuat.

Nakuha pa ng rescuers ang tatlo pang bangkay sa kalapit na Datu Odin Sinsuat habang ginagalugad nila ang mga bahang lugar sa paligid ng Cotabato City.

"We're hoping the toll will end there," ani Sinarimbo sa ulat ng AFP.

Humihingi pa ang media ng updates sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngunit wala pa ang mga nabanggit sa opisyal nilang talaan ng mga casualties sa ngayon.

"The Bangsamoro Government officials are closely monitoring the situation in Cotabato City and other flood-affected areas in BARMM caused by... Paeng," sabi ng opisyal na Facebook page ng BARMM. 

"The Bansgamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) on Friday, Oct. 28, have also conducted pre-emptive evacuation and rescue operations to flood victims who are needing help."

 

 

Bandang 10 a.m. nang mamataan ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, ayon sa pinakahuling tala ng PAGASA.

Tinatayang lalakas pa patungong severe tropical storm category ang bagyo, at posible pang umabot ng hanggang Signal no. 3. Posibleng mag-landfall o lumapit nang husto ang bagyong "Paeng" sa Catanduanes ng Sabado ng umaga.

"A total of 1,322 families or 5,266 persons were affected," ayon sa pahayag ng NDRRMC kaninang umaga matapos ang pre-emptive evacuation ng 4,975 katao.

"Of which, 862 families or 3,348 persons were served inside 20 [evacuation areas[ and 84 families or 257 persons were served
outside ECs."

Apektado na rin sa ngayon ang mga nasa:

  • MIMAROPA
  • Bicol Region
  • Western Visayas
  • Central Visayas
  • Eastern Visayas

Tinatayang nasa P279,007 halaga na ng tulong sa porma ng family food packs. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDANAO

MAGUINDANAO

NDRRMC

PAENG

PAGASA

TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with