^

Bansa

44 sugatan sa 6.4 magnitude na lindol — NDRRMC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
44 sugatan sa 6.4 magnitude na lindol — NDRRMC
Clearing operation sa Abra-Kalinga Road sa Licuan-Baay matapos ang magnitude 6.4 na lindol na nangyari sa probinsya ng Abra
Release/Department of the Interior and Local Government

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 44 katao ang bilang ng mga sugatan sa Ilocos at Cordillera matapos ang 6.4 magnitude na lindol sa Abra noong Oktubre 25.

Ito ang nabatid mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  kung saan ilan sa mga pinsalang natamo ay sugat, contusion, pamamaga, hematoma, musculoskeletal strain at pagdurog ng mga daliri.

Nasa 61,514 katao o 18,478 pamilya sa Ilocos, Cagayan, at Cordillera ang naapektuhan ng lindol habang hindi bababa sa 265 indibidwal o 140 pamilya ang nananatili sa labas ng mga evacuation center, at 76 katao o 22 pamilya ang nasa loob ng tatlong evacuation center.

May kabuuang 1,821 bahay ang bahagyang nasira at P52,738,000 ang pinsala sa  imprastraktura.

Sinuspinde ang 94 na klase at 86 na iskedyul ng trabaho dahil sa lindol.

Naibigay na ang tulong na nagkakahalaga ng P207,988.25 sa mga biktima ng lindol sa Cagayan at Cordillera na kinabibilangan ng tulong pinansyal, sleeping kits, at family food packs.

Batay sa earthquake bulletin nito, sinabi ng PHIVOLCS na ang epicenter ng lindol, na tumama dakong 10:59 p.m., ay pitong kilometro sa hilagang-kanluran ng Lagayan, Abra.

Ang lindol, na tectonic ang pinagmulan, ay may lalim na 11 kilometro, dagdag pa nito.

 

 

EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with