^

Bansa

DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw 'posible' bago 2023 sa voluntary masking

James Relativo - Philstar.com
DOH: 18k COVID-19 cases araw-araw 'posible' bago 2023 sa voluntary masking
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal on Wednesday morning, Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Maaaring tumaas patungo sa 18,000 ang arawang COVID-19 cases bago matapos ang 2022 kasunod ng pagluluwag lalo ng face mask requirements, babala ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Huwebes.

Ito ang sinabi ni Vergeire ilang araw matapos ianunsyo ni Tourism Secretary Christina Frasco na maglalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng executive order na magpapahintulot ng pagtatanggal ng masks kahit sa indoor setting.

"As a doctor and based on the scientific projections that has been done by our experts, once we loosen up the masking, maari pong magkaroon tayo ng mga kaso towards November and December from 2,500 and ang pinakamataas po, ‘yung higher limit would be around 18,000 cases," ani Vergeire sa panayam ng ANC.

Sa kabila nito, hindi lang naman daw ito mangyayari dahil lang sa pagluluwag ng health protocols ngunit dahil na rin sa pagpasok ng bagong COVID-10 variants at subvariants na mas nakahahawa.

Ngayong buwan lang nang iulat ng DOH na nakapasok na sa Pilipinas ang mga unang kaso ng XBB subvariant at XBC variant, ang una'y nakikita sa biglaang pagsipa uli ng mga kaso sa Singapore. Kasalukuyan nang may local transmission ng naturang mga sakit sa bansa.

"So, expectedly, cases are there. It’s going to increase. But what we need to preserve would be our healthcare system capacity," dagdag pa ni Vergeire habang dumarami ang personal interactions ng mga tao.

"For that, as I’ve said, even through this recent na pagtaas ng kaso, na-accommodate po ng system natin. Nakita natin [na] we were able to manage. Hopefully, we’ll be able to manage in the coming months."

Ang lahat ng ito ay nangyayari habang wala pa ring secretary ang DOH. Kamakailan lang nang mabatikos si Bongbong dahil sa pagtatalaga kay dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan sa gitna ng pandemya bilang undersecretary, imbis na ibigay ang pwesto sa isang healthcare expert.

Umabot na sa 3.99 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos nitong makapasok ng bansa nitong 2020. Sa bilang na 'yan, patay na ang 63,883 katao.

DEPARTMENT OF HEALTH

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with