^

Bansa

Marcos Jr. tahimik kung bibisitahin mga apektado ng lindol sa Abra

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. tahimik kung bibisitahin mga apektado ng lindol sa Abra
Kuha kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. habang sinasagot ang media, ika-26 ng Oktubre, 2022
Video grab mula sa RTVM Facebook channel

MANILA, Philippines — Hindi sinagot ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang media matapos matanong kung bibisitahin ba niya o hindi ang mga biktima ng malakas na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Luzon.

Martes lang nang maitala ang epicenter ng naturang magnitude 6.4 na lindol sa Lagayan, Abra. Umabot hanggang Intensity VI (very strong) ang naramdamang pagyugyog sa ilang bahagi ng probinsya ng Abra at Ilocos Norte dahil sa lindol.

Setyembre lang nang mapuna si Marcos Jr. dahil sa hindi agad pagbisita sa mga nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Karding. Paliwanag niya noon, "makaka-istorbo" lang siya. Nagsagawa na lang tuloy siya ng aerial inspection matapos ang nangyari.

"We do not have a critical problem when it comes to food. Maybe shelter. That is the most important part of the relief that we have to provide now for the people affected by the earthquake last night," ani Marcos Jr. sa isang press briefing kanina.

"In Ilocos Norte, the power has come back. In Ilocos Sur the power has come back. I'm waiting for report from Abra, but the last I heard... Abra province has power already restored."

 

 

Maraming eskwelahan ang nagsuspindi muna ng klase kaugnay ng naturang lindol.

Una nang sinabi ng Phivolcs na inaasahan nila ang aftershocks at pinsala dulot ng naturang insidente.

"Ang hinihingi ng karamihan ay tents. And the reason why is natatakot silang bumalik sa mga bahay nila, baka mag-aftershock," dagdag pa ng presidente.

Una nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nakaranas ng kawalan ng kuryente ang dalawang munisipalidad sa Cagayan, maliban pa sa partial damage na tinamo ng isang bahay sa Brgy. Punta, Aparri.

Dalawang kalsada naman sa bayan ng Allapacan ang naiulat na nagkaroon ng bitak.

ABRA

BONGBONG MARCOS

EARTHQUAKE

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with