^

Bansa

DOH inalok ni PBBM sa mga doktor, pero tinanggihan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
DOH inalok ni PBBM sa mga doktor, pero tinanggihan
Sa kasalukuyan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang kasalukuyang Officer-in-Charge ng DOH.
BW FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Inialok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posisyon ng Department of Health (DOH) Secretary sa maraming mga doktor pero tumanggi ang mga ito na hawakan ang bakanteng puwesto.

Ayon kay dating Health Secretary at 1st District Iloilo Rep. Janette Garin, hindi dapat kuwestiyunin si PBBM kung bakit wala pa itong itinatalagang permanenteng DOH Secretary gayong apat na buwan na ito simula ng maupong ika-17 Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Garin na sa pagkakaalam niya, ang posisyon ng DOH Secretary ay inalok sa maraming kuwalipikadong health experts pero tumanggi ang mga ito.

“Marami ang takot kasi baka mamaya ubusin kami ng kaso diyan. Kawawa naman ‘yung aming pamilya. There are a lot of circumstances that has actually paved the way for many doctors to fear government service”, pahayag ni Garin sa panayam nito sa ANC television network.

Sa kasalukuyan si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang kasalukuyang Officer-in-Charge ng DOH.

Inihayag ni Garin na sa kaso ni Vergeire na isang career official ay marami ang mawawala dito kung matatalagang Health Secretary.

Aniya, kailangang maging handa ito na iwanan ang serbisyo sa gobyerno matapos ang anim na taon o maging handa ito na tanggalin sa puwesto anumang oras ni Pangulong Marcos gayundin maging handa sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.

“These are situations that many people are not seeing. Maraming qualified pero halos walang gusto because of the vulnerability,” paliwanag pa ni Garin.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->