^

Bansa

Marcos Jr. gagawin nang 'boluntaryo' face masks indoors, sabi ng DOT

James Relativo - Philstar.com
Marcos Jr. gagawin nang 'boluntaryo' face masks indoors, sabi ng DOT
Commuters don face masks on while waiting for available public transport along Taft Avenue in Manila on Monday night, Sept. 12, 2022 as President Ferdinand Marcos Jr. approves an executive order allowing the voluntary wearing of face masks in outdoor settings as recommended by the IATF.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines (Upated 2:52 p.m.) —  Plano nang gawing "optional" ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagsusuot ng face masks laban sa COVID-19 sa mga indoor areas, ayon sa Department of Tourism.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco sa Palace press briefing, Martes, napipinto na ang paglalabas ni Bongbong ng executive order upang gawing pormal ang nabanggit.

"It was agreed [in a Cabinet meeting today] that the president would be issuing an order to make indoor mask wearing also voluntary all over the Philippines with few exceptions," ani Frasco kanina.

"But generally, the direction of the Marcos administration is to lift the remainder of travel restrictions into the Philippines, and that includes easing of mask mandates to allow our country to be at par with our Asean neighbors who have long liberalized their mask mandates."

Gayunpaman, oobligahin pa rin daw ang pagsusuot ng maskara sa loob ng pampublikong transportasyon at medical facilities.

Ie-encourage pa rin naman daw ang lahat ng mga may sakit, senior citizens at mga hindi pa nakakapagpaturok ng bakuna na magsuot ng face masks.

Ginawa ng DOT secretary ang naturang pahayag matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang mas nakahahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant sa Pilipinas, bagay na pareho nang may local transmission.

Kasalukuyang boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa mga outdoor areas basta't hindi siksikan at maganda ang ventilation, ito matapos ang mahihigpit na lockdowns simula pa 2020.

DOH aantayin Palasyo

Bagama't inilarawan na ng DOH ang lahat ng posibleng mangyari pagdating sa masking mandates sa kanilang pulong sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, collegial body pa rin daw ang task forces na kailangang ikunsidera ang concerns ng lahat.

"In view of this, the DOH reminds the public that the more layers of protection we employ, the more protected we are against COVID-19," sabi ng DOH kanina.

"These include vaccination, masking, distancing, ventilation, and sanitation, as well as taking care of one's health."

Sa kabila nito, naniniwala ang kagawarang bibigyan ng pagluluwag ng restriksyon ang lahat ng magdesisyon para sa sarili batay sa personal na konteksto.

Pinaalala pa rin naman nila sa lahat na palapit na ang Undas at Pasko, mga panahon kung kailan inaasahan ang mas maraming COVID-19 infections.

Aabot na sa 3.99 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ang virus sa bansa, ayon sa DOH. Sa bilang na 'yan, patay na ang 63,814.

DEPARTMENT OF TOURISM

FACE MASK

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with