^

Bansa

Battle of Sibuyan Sea noong 1944, muling gugunitain sa Cajidiocan

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Battle of Sibuyan Sea noong 1944, muling gugunitain sa Cajidiocan
Pinapakita sa litratong ito mula sa Municipality of Cajidiocan Public Information Office ang paghahanda para sa komemorasyon ng Battle of Sibuyan Sea noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Municipality of Cajidiocan Public Information Office Facebook page

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Handa na ang bayan ng Cajidiocan sa muling pagdiriwang sa October 24 ng Commemoration ng Battle of Sibuyan Sea na naganap sa Romblon noong 1944, panahon ng World War II.

Sa panayam ng Romblon News Network kay Cajidiocan Mayor Greggy Ramos, sinabi ng alkalde na mahalaga ang pagalaala sa nangyaring digmaan dahil sa ipinamalas na kagitingan ng mga sundalong Amerikano, Pilipino at Hapon.

Aniya, bilang bahagi ng pagdiriwang ay magkakaroon ng Banal na Misa ng Pasasalamat sa munisipyo.

Inaasahang magbibigay rin ng testimonya ang mga beterano ng digmaan maging ang mga naging saksi sa Cajidiocan.

Sinabi rin nito na idedeklara nito na half-day ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno sa darating na Lunes.

Ang Commemoration ng Battle of the Sibuyan Sea ay taunang pinagdiriwang bilang paggunita sa mga nangyari noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan nagpamalas ng kagitingan noong 1944 ang mga sundalong Amerikano at Pilipino laban sa mga Hapon na nagkaroon ng matinding sagupaan sa Sibuyan Sea.

--

 

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com

BATTLE OF SIBUYAN SEA

CAJIDIOCAN

ROMBLON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with