^

Bansa

CSC kinalampag sa ‘endo’ sa gobyerno

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
CSC kinalampag sa ‘endo’ sa gobyerno
Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na habang ang pamahalaan ay may 170,688 hindi napupunuang mga posisyon, kasalukuyang naman itong may 642,077 empleyado sa ilalim ng JO at COS, na kumakatawan sa 26.07% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa gobyerno.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Civil Service Commission (CSC) na tugunan ang mataas na bilang ng mga empleyado sa gobyerno na kabilang sa Job Order (JO) at Contract of Service (COS), at gawaran sila ng security of tenure lalo na kung sila ay may  civil service eligibility.

Sinabi ni Villanueva na habang ang pamahalaan ay may 170,688 hindi napupunuang mga posisyon, kasalukuyang naman itong may 642,077 empleyado sa ilalim ng JO at COS, na kumakatawan sa 26.07% ng kabuuang bilang ng mga manggagawa sa gobyerno.

Sa datos ng CSC, ang mga ahensyang may pinakamataas na bilang ng mga empleyadong JO at COS ay ang DPWH (22,457), DepEd (12,465), DOH (8,188), DSWD (7,340), at DENR (5,487).

Ang mga ahensya ding ito ang may pinakamataas na bilang ng mga unfilled positions: DPWH (3,180), DepEd (47,034), DOH (21,038), DSWD (381) at DENR (2,430).

Kaugnay nito, naghain si Villanueva ng Senate Bill No. 568 na nagtatatag ng Skills Certificate Equivalency Program (SCEP) na nagkakaloob ng civil service eligibility para sa mga graduate ng technical and vocational education and training courses na may National Certificate (NC) mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Inihain din ni Villanueva ang Senate Bill No. 131 o Civil Service Security of Tenure Act na nagbibigay ng permanenteng appointment at automatic civil service eligibility sa lahat ng kaswal at kontraktwal na empleyado sa pamahalaan na nanilbihan ng hindi bababa sa limang taon sa national government, at hindi bababa sa anim na taon sa mga local government units, na may satisfactory rating o mas mataas pa sa nagdaang tatlong taon ng serbisyo.

COS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with