^

Bansa

Halos kalahati ng mga Pinoy, mahirap – SWS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Halos kalahati ng mga Pinoy, mahirap – SWS
Families residing under a bridge go about their daily lives along Congressional Avenue in Quezon City on May 19, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Halos kalahati o may 49 percent ng pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap batay sa Social Weather Stations (SWS) survey.

Ito ay may bahagyang pagtaas mula sa 48 percent ng pamilyang Pinoy na nagsabi kamakailan na mahirap sila.

Ayon sa SWS, tumaas ng isang puntos ang nagsabi na sila ay mahirap sa Metro Manila, Visayas at ­Mindanao maliban sa Luzon.

Sa survey, may 29% pamilya ang nagsabing sila ay nasa “borderline” at 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.

May 12.6M Pinoy naman ang Self-Rated Poor families noong October 2022 at 12.2M noong June 2022.

Samantala, sa survey ay nakapagtala rin ng 34% ng pamilyang Pinoy na nagsabing sila ay naghihirap sa pagkain, 38% ay nasa borderline at 28% ay hindi salat sa pagkain.

Sa survey na ito ang bilang ng Self-Rated Food Poor families ay 8.7 million nitong October 2022.

Ayon sa SWS, tumaas ang mga naghihirap sa pagkain sa lahat ng lugar sa bansa maliban na lamang sa Balance Luzon.

Ang survey ay ginawa September 29-October 2, 2022. Ito ang unang SWS survey sa ilalim ng ad­ministrasyong Marcos.

Gamit dito ang face-to-face interviews sa 1,500 adults nationwide na kapapalooban ng 300 bawat isa sa Metro Manila, Visayas at Mindanao, at 600 sa ­Balance Luzon.

SWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with