Lazo, bagong PDEA chief; Cordoba, COA chair

MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si ­dating PNP-Special Action Force (SAF) commander Moro Virgilio Lazo bilang bagong director-general ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Si Lazo na tumulong sa seguridad ng kampanya ng mga Marcos sa Ilocos Norte ay pinalitan si Wilkins Villanueva, na itinalaga ni dating ­pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto noong 2020.

Si Lazo ay nagsilbing director ng SAF noong 2015 at naging miyembro rin ng Presidential Security Group (PSG) noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Si Lazo na isa ring Ilocano, ang ika-walong director general ng PDEA.

Samantala, tinalaga rin ng Pangulo si National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba bilang ad interim chairman ng COA kapalit nang nagbitiw na si Jose Calida.

Si Cordoba ang nagpatupad ng ‘cease and desist order’ laban sa ABS-CBN noong Mayo 2020 na naging dahilan para tuluyang matigil ang operasyon ng kompanya matapos hindi ma-renew ang kanilang prangkisa.

Kinumpirma ng Public Information Office ng Supreme Court na nanumpa na ang bagong COA chief kay Chief Justice Alexander Gesmundo.

Show comments