^

Bansa

DOH kinumpirma 'local transmission' ng XBB subvariant, XBC variant sa bansa

James Relativo - Philstar.com
DOH kinumpirma 'local transmission' ng XBB subvariant, XBC variant sa bansa
Commuters don face masks on while waiting for available public transport along Taft Avenue in Manila on Monday night, Sept. 12, 2022 as President Ferdinand Marcos Jr. approves an executive order allowing the voluntary wearing of face masks in outdoor settings as recommended by the IATF.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng local transmission ng "mas nakahahawang" Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19 sa loob ng Pilipinas.

Sinabi ito ni Dr. Alethea de Guzman, direktor ng epidemiology bureau ng kagawaran sa dahilang hindi raw maiuugnay sa pagbiyahe ang kasalukuyang XBB at XBC cases.

"Definitely, there is local transmission dahil lahat ito ay local cases," ani De Guzman sa isang online town hall meeting ngayong Biyernes.

"Ibig sabihin, hindi natin sila nali-link to either may mga travel ito outside the Philippines o may exposure ito from someone who have recently traveled outside the Philippines."

Martes lang nang kumpirmahin ng DOH na nakapasok na ang unang mga kaso ng XBB at XBC sa Pilipinas. Nasa 81 kaso ng XBB ang nakita habang 193 naman sa XBC noong isang araw.

Itinuturo ang XBB na nagdulot ng biglaang pagtaas ng COVID-19 cases sa Singapore atbp. lugar, ngunit nakikitang mababa naman daw ang mga naitatalang severe cases nito lalo na't gumagana ang bakuna, dagdag pa ng DOH.

Una nang sinabing nasa 70 XBB cases ang gumaling na sa Pilipinas, na siyang limitado pa lang sa dalawang rehiyon. Wala naman nang sakit ang 176 XBC cases ngunit lima na ang namamatay sa mga tinamaan nito sa bansa. Ang huling variant ay matatagpuan na sa 11 rehiyon.

"Dito [sa Pilipinas] talaga nila nakuha 'yung kanilang impeksiyon," sabi pa ni De Guzman. Sa kabila nito, "lokalisado" pa lang daw ito lalo na't sa iilang rehiyon pa lang daw ito naoobserbahan.

"Hindi pa natin masabi na it's nationwide o wide-scale community transmission."

Ang XBC variant ay under monitoring at investigation pa, ayon sa pagkaklasipika ng United Kingdom Health Security Agency.

Gayunpaman, hindi pa matukoy nang lubos ng World Health Organization o European Centers for Disease Control ang peligrong idinudulot ng variant. Sinasabing "recombinant" ng Delta at BA.2 variant ang XBC variant.

Kasalukuyang nasa 3.98 milyon na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa, kung saan 123,721 ang aktibo pa hanggang ngayon. Sa mga nahawaan, 63,669 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with