Civil Society Org. magpa- accredit para partner ng DA sa community development – PCAF

MANILA, Philippines — Hinihikayat ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries ang mga interesadong civil society organization na magpa-accredit bilang opisyal na partner ng Department of Agriculture.

Ayon kay PCAF Executive Director Nestor Domenden, bilang attached agency ng DA, sinisikap nilang mas ilapit sa masa ang mga proyekto ng DA sa pamamagitan ng pag-abot sa iba’t-ibang mga sektor.

Paliwanag n’ya, sa pamamagitan ng pagpapare­histro, makakalahok na ang mga CSO sa mga proyekto ng DA na may kinalaman sa agrikultura at pangingisda.

Kasama sa mga kwalipikado para accreditations ang civic organizations, cooperatives, non-governmental organizations, people’s organizations, indigenous people’s organizations, at non-profit organizations na may kinalaman sa agriculture and fisheries.

Online ang proseso ng aplikasyon kung saan ang mga lalahok ay dapat magsumite ng sinagutang application form na mado-download sa PCAF website; magpasa ng scanned certified true copy ng lahat ng requirements, kasama ang Certificate of Compliance for cooperatives na nakarehistro sa ilalim ng Cooperative Development Authority;  at magdapala sa email ng kumpletong dokumento na hinihingi sa CSO National Technical Secretariat sa cso.nts@pcaf.da.gov.ph.

Show comments