^

Bansa

Oktubre 31 idineklarang special non-working holiday

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Oktubre 31 idineklarang special non-working holiday
Children were seen having fun and taking pictures at a newly decorated, Halloween-themed area in Parañaque on Thursday (October 13, 2022).
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Oktubre 31 bilang special non-working holiday, ayon sa Malacañang.

Inihayag ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, na nais ng Pangulo na mabigyan ng pagkakataon ang publiko na magkaroon ng mahaba-habang panahon para gunitain ang Undas.

Ang Oktubre 31 ay araw ng Lunes.

Dahil dito, magkakaroon ng long weekend ang publiko at maaring makapagsimula ng bakasyon sa araw ng Sabado, Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 1.

Ayon kay Garafil, sapat na panahon na ito para makauwi sa mga probinsya at mabisita ang mga kaanak na namayapa na mai-promote na rin ang lokal na turismo.

“The President has signed the Proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday, para na rin po marami tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin po ang ating local tourism,” pahayag ni Garafil.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with