Marcos tiniyak ang magandang insentibo sa Pinoy scientists

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang sumasagot sa mga tanong ng media sa 8th Annual Balik Scientist Program (BSP) ng Department of Science and Technology sa Philippine International Convention Center, Pasay City kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportado niya at ng kanyang administrasyon ang mga Pinoy scientists na nagbabalik-bansa sa ilalim ng Balik Scientist Program ng gobyerno.

Sa kanyang pagdalo sa 8th Annual Balik Scientist Convention sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na makakaasa ang mga Pinoy scientist na ibibigay ng ­gobyerno ang lahat ng tulong na kailangan para maging instrumento ng pag-unlad ng mga Pilipino.

Layon ng programa na mahikayat ang mga Pinoy scientists, technologists at experts na magbalik-Pinas at ibahagi ang kanilang kasanayan.

Inamin din ni Marcos na isa siyang frustrated scientist na ginugol ang lahat ng kanyang “scholastic career” sa science.

Pero nasabihan aniya siya ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. na mahirap ang science at hindi rin siya yayaman dito.

Hinihikayat ng ­Pangulo ang mga dumalo sa okasyon na ipagpatuloy ang paghahanap ng higit pang mga paraan at makipagtulungan sa isa’t isa sa paggamit ng agham at pagbabago para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

 

 

Show comments