MANILA, Philippines — Isang bagong tuklas na COVID-19 subvariant na tinawag na XBB ang pinangangambahan ngayon ngunit tiniyak ng Department of Health (DOH) na hindi pa ito nakararating sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, ang XBB variant ay kumbinasyon ng BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).
Sa preliminary studies, nagpapakita na ang naturang sublineage ng mas mataas na pag-iwas sa immune system kumpara sa BA.5.
“As of October 13, we have not detected the said variant in the Philippines,” pahayag ng DOH.
“The DOH, in partnership with our local sequencing facilities, is continuously conducting surveillance to monitor the importation of this variant and other emerging SARS-CoV-2 variants,” pagtitiyak pa ng ahensya.
Nabatid na ang XBB variant ang itinuturong nagtutulak ng mga bagong kaso sa ilang bansa, kabilang ang Singapore.