90% ng 4Ps beneficiaries 'below poverty' pa rin kahit 7-13 taon na sa programa — COA

Residents from different barangays living near the Marikina River evacuate from their homes after the river reached the critical level of 17.5 meters at 11:23 p.m. on Sept. 25, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Hindi umangat sa laylayan ang karamihan ng pinakamahihirap na Pilipinong nakikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program — ito kahit higit P537 bilyon na ang nagastos dito at lampas isang dekada nang benepisyaryo ang ilan sa kanila.

Ito ang ibinahagi ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2022 follow-up sa performance audit ng 4Ps program ng gobyerno, bagay na isinapubliko kamakailan.

"[W]e looked into the relevant data and found that about 3,820,012 or 90% of the 4,262,439 active household-beneficiaries have been with the program for seven to 13 years with a total of P537.39 billion cash grants given as at June 30, 2021," sabi nila sa naturang ulat.

"This means that 90% of the active household-beneficiaries remained below poverty threshold even after being in the program for a long period of time."

Taong 2017 nang irekomenda ng COA na magsagawa ng impact evaluation ang gobyernong nagbibigay-diin sa epekto ng programa sa pagsugpo sa kahirapan.

Una nang lumabas sa mga evaluation na nagkaroon ng positibong epekto ito sa karamihan ng target education at health outcomes ng mga bata at buntis.

Sa kabila nito, hindi natalakay ng nakaraang pag-aaral ang direktang kaugnay ng programa sa pagpapababa ng kahirapan sa Pilipinas.

"We raised this issue in view of the significance of the amount allocated to 4Ps wherein from CYs 2008–2021, the program received a total amount of ?780.71 billion," sabi pa ng COA.

Mahalaga raw ang mga detalyeng ito dahil nililimitahan ng Republic Act 11310 ang pagiging benepisyaryo sa pitong taon. Matapos ito, tatanggalin sila sa listahan umahon man sila sa hirap o hindi.

Ano nga uli ang 4Ps?

Ang 4Ps, na siyang ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development, ay ang "national poverty reduction strategy ng gobyerno" alinsunod sa R.A. 11310, bagay na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kabila nito, matagal nang may 4Ps bago pa ma-institutionalize.

Naka-pattern ito sa conditional cash transfer scheme na ipinatutupad sa iba pang developing countries, bagay na ibibigay lang kung susunod ang mga residente sa mga kondisyones ng programa.

Narito ang mga "eligible beneficiaries" at mga benepisyong kanilang maaaring makuha:

 

 

 

Sa datos ng DSWD, aabot sa 4.29 milyon ang poor households, na siyang sumasaklaw sa 41,606 barangay, 146 lungsod at 1,481 munisipalidad.

Rekomendasyon

Mungkahi ngayon ng COA na i-"fast track" ng DSWD ang data cleansing nito at kumpletuhin ang informations technology systems upgrade, alinsunod na rin sa Informations Systems Strategic Plan, maliban sa palagiang paglulunsad ng "national household assessment" sa ilalim ng RA 11310.

"COA also recommends that DSWD shall report on the program’s status on poverty alleviation, consistent with Section 17 of the 4Ps Act," sabi pa ng komisyon.

Dati nang binabatikos ng mga progresibong grupo gaya ng Makabayan bloc na nagsisilbing "dole out" o limos lang ang conditional cash transfers ng 4Ps, bagay na hindi raw talaga tutugon sa kahirapan.

Aniya, mas mainam pa rin ang paglikha ng trabaho, pambansang industriyalisasyon at repormang agraryo upang makaahon ang bansa sa pagdarahop.

Show comments