9 sa bawat 10 Pinoy nagsabing problema ang fake news

Stock photo shows a woman on a laptop showing "fake news."
memyselfaneye / Pixabay

MANILA, Philippines —  Siyam sa bawat 10 Filipino o 86% ang nani­niwala na problema sa bansa ang fake news.

Base sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Setyembre 17-21 sa 1,200 adults, pinakamarami sa mga respondent sa Metro Manila ang nagsabi nito na umabot sa 87%, 92% sa Luzon, 77% sa Visayas at 81% sa Mindanao.

Ayon pa sa survey, 68% ang nagsabi na nakukuha nila ang fake news sa social media o internet, 67% sa telebisyon, 32% sa radio at 28% ang nagsasabi na nakukuha nila ang mga maling impormasyon sa mga kaibigan.

Nakakuha naman ng maliit na porsyento bilang source ng fake political news ang community leaders na may 4%; newspapers na may 3%, at religious leaders na may 1%.

Nasa 58% naman ang nagsabi na ang mga social media influencers, bloggers, o vloggers ang responsable sa mga nagpapakalat ng fake news.

Nasa 37% naman ang undecided, habang ang 7% ang nagsabi na wala silang tiwala.

Show comments