Nairehistrong ‘kakarag-karag’ na mga sasakyan, iimbestigahan ng LTO

Facebook photo shows a Private Motor Vehicle Inspection Center in Mandaue City. The Land Transportation Office says the privatization of the system is needed since the government can no longer conduct proper and modern testing.
Facebook photo

MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng Land Transportation Office (LTO) ang ulat na may mga kakarag-karag na sasakyan ang patuloy na naipaparehistro sa ahensiya.

Ito, ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz ay upang mabigyan ng kaukulang parusa ang mga nasa likod ng pagrerehistro sa mga bulok nang sasakyan na hindi na ligtas gamitin sa mga lansangan.

“We will not tolerate this kind of illegal activity and I assure the public that heads will roll,” sabi ni Guadiz.

Sa  isang video na nag-viral sa social media, ipinakita ng content creator nito na si Gadget Addict na may isang trak na kakarag-karag na at pinaniniwalaang delikadong pumasada ang sinasabing nakapagparehistro pa sa LTO ngayong taon.

Maliban dito, ipinakita rin sa video ang ilang pampasaherong jeep na naglagay ng ilegal na terminal sa bangketa at nagbubuga ng maitim na usok bukod pa sa kulang ang mga ilaw.

Pinasalamatan naman nito ang netizens na nagpost ng naturang mga sasakyan na ginagamit pa sa lansangan gayung delikado ng gamitin.

“The LTO will get to the bottom of this, and we assure the public that those who will be found guilty will be prosecuted and removed from government service. They have no place in the LTO,” sabi pa ni Guadiz.

Show comments