Marcos nakiramay sa trahedya sa Indonesia, Thailand
MANILA, Philippines — Nagpahatid ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Sabado sa mga biktima ng stampede sa isang football match sa Indonesia at sa pamilya ng mga biktima ng mass killing sa isang day care center sa Thailand.
“We condole deeply with the families of those lost in the recent tragedies of the Indonesia football stampede and the Thailand daycare attack,” ani Marcos sa post sa social media.
Sinabi rin ng Pangulo na ipinagdarasal ng mga Pilipino ang mabilis na paggaling ng mga nakaligtas, ang paggaling ng mga naiwan, at ang kapayapaan ng mga nasawi.
“We pray for the recovery of the survivors, healing of those left behind, and that the departed may rest in peace,” ani Marcos.
Hindi bababa sa 125 ang nasawi habang nasa 180 ang nasugatan sa Kanjuruhan Stadium, Malang District sa East Java province ng Indonesia noong Oktubre 1 matapos lumusob sa pitch ang mga tagasuporta ng natalong squad Arema FC.
Nagpaputok ng tear gas ang mga security officer para ikalat ang mga tao pero sumunod ang stampede.
Samantala noong Huwebes bandang 12:30 p.m. (lokal na oras), isang dating Thai na pulis ang pumatay ng hindi bababa sa 38, kabilang ang 24 na bata, gamit ang isang kutsilyo at baril sa isang child care center sa distrito ng Na Klang ng lalawigan ng Nong Bua Lamphu.
Ang suspek na sinibak noong Hunyo sa tungkulin dahil sa paggamit ng droga ay nagbaril sa sarili matapos paslangin ang kanyang asawa at anak sa kanilang bahay.
Nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Bangkok sa mga awtoridad at Royal Thai Police para tingnan kung may mga Pilipinong naapektuhan.
- Latest