^

Bansa

Paghahatid ng relief goods sa calamity-hit areas, gawing libre

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong nina Davao City Rep. Paolo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap na gawing libre na lamang ang paghahatid ng mga relief goods sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Sa inihaing House Bill 4809 o Relief Goods Free Transportation Act, aatasan ang Logistics Cluster ng Office of Civil Defense katuwang ang Philippine Postal Corporation at lahat ng freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pa na huwag ng maningil ng bayad lalo na sa mga registered relief organization para sa pagbiyahe ng relief goods sa mga lugar na nasa ilalim ng State of Calamity.

Layon din ng panukala na gawing mabilis at sistematiko ang relief operations na magliligtas sa buhay ng mga biktima ng sakuna.

Binigyang-diin nina Duterte at Yap na dahil ang Pilipinas ay nasa “Pacific Ring of Fire”, mangangailangan ng mabilis na paraan ng pagbiyahe ng mga relief goods lalo at madalas tamaan ng nasa 20 bagyo ang Pilipinas bukod pa sa mga lindol.

Dagdag pa rito na ikokonsidera ang ilang auxiliary cost sa pagbiyahe upang hindi malugi ang pribadong sektor na tutulong sa pagdeliver ng mga relief goods.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with